24/7 Bebenta Sa'yo

Wala pa akong tumblr noon kaya ngayon ko ipopost ito. Ngayong araw kasi ang 40th Commencement Exercise sa UPLB. Huwag sana silang ulanin gaya ng nangyari sa amin dati. May bagyo pa noon kaya required ka talagang magdala ng payong. Kadalasan ang nangyayari sa graduaiton, nakashades ang mga tao kasi mainit, pero noong time namin, iba ang nangyari.

Kabilang ako sa Class 2009 kaya kung mapapansin ninyo, ganyan pa ako kataba noon kasi ang hilig kong kumain at uminom ng frap dahil sa paggagawa ng thesis. ‘Yung 3 common na kasama ko sa pictures ay mga superblocmates ko kasi sa lahat ng major subjects ko, kaklase ko sila. 

Congratulations sa lahat ng graduates!

  1. jastinoyedrian said: akalain mong sabay pala tayong gumgradwayt pero di pa tayo magkakilala noon.